Flower, Fruit or Vegetable (Colonial, costuming evolution)
The talented John Carlo Pagunaling explains in tagalog his first costume concept for Colonial dance project. From the flower fruit of a banana tree, John was inspired to recreate its exotic and intricate presence and look into a wearable dress/skirt. See how the design turns out and takes its final shape for the world premiere of Colonial this coming fall.
Below is a piece in tagalog for you to read by John Carlo...in the essence of our very true taste of Filipino language.
Unang Kausotan:
Ang kasuotan ng babaylan ay hango sa puso ng saging. Ginamit ko ang pisikal na anyo ng puso ng
saging upang magbigay ng impresyon ng pagiging natural nito sa kanyang paligid. Nais ko ipakita
ang natural na hitsura ng isang Babaylan bilang parte ng kagubatan. Ang pang-ibaba na kasuotan ay
hango sa palda o suot babae na yari sa tuyong dahon ng saging na sinusuot ng mga taga Kalayaan, Laguna
bilang kasuotan sa kanilang penitensiya. Ang kasuotang pang-ulo ng babaylan ay hango sa koronang isinusot ng mga
nagpipinentensiya. Nais kong itago ang mukha ng babaylan upang ipakita sa manunuod na hindi iisa ang
hitsura at kasarian nito. Nais ko rin na ipakita ang sa kasuotang pang-ulo ng babaylan na ito ay sagrado na katulad ng
binukot ay hindi masilayan ang mukha. Ginamit ko ang mother of pearl bilang kayamanang pinagkaka-ingatan
ng isang babaylan na maaaring panggalingan ng kanyang kapangyariahan at kaalaman. Ang mother of pearl ay
maihahalintulad ko sa mutya ng puso ng saging na nagsisilbing agimat.